SALAMAT PO SA BIYAYANG TULAD NI MAMA

Dear Bro,

Ngayon po ipinagdiriwang ni Mama ang kanyang 61st Bday. Gusto ko lang po kayong pasalamatan dahil ipinagkaloob n’yo po ang pinakamagandang biyaya na matatanggap ng isang tao sa buong buhay nito -Ina.

Salamat po dahil ang tulad ni Beatriz Trillanes Laniog ang ibinigay nyo sa’kin. Hindi po mula sa maganang angkan ang Mama ko, hindi rin po ganoon kaganda ang natapos nito pero wala na pong hihigit sa pagmamahal, pag-aaruga at pagsisikap ang naibigay nito sa amin. Sobrang Salamat po sa pinakamagandang biyaya.

Hinihiling ko lang po na sana ay lumigaya na nang husto si Mama, yung tipong hindi na namomoblema sa aming limang magkakapatid. Yung tipong hindi na kailangan pang magpagod ng husto ganoong wala na naman syang pinansyal na responsibilidad sa amin. Ewan ko ba bakit ganoon ang mga magulang Bro, sobrang sipag! Hindi ko naman po alam kung ano pong pwedeng paglibangan ni Mama na hindi na kailangan magpagod.

Sana bro bigyan nyo pa po ng napakahabang buhay ang Mama ko. Magandang kalusugan. Gusto ko pa pong ibigay yung magagandang bagay at magagandang sandali sa kanya. Bilang Anak madami pa po akong pangarap para sa ina, sana po tulungan nyo po akong Matupad.

Maraming Salamat po.

Amen

Minarkahan , , , , , , , , ,

ANG LAKAS MO BRO!

Dear Bro,

Ang lakas lakas ko talaga sa inyo! Biruin mo bati na kami nung taong nakasamaan ko ng loob dahil sa pagiging “patola” niya sa biro kong s’ya ang kumuha ng 500 pesos ko. Gusto ko pong magpasalamat dahil tuloy na muli ang maagang tsismisan.😀 Nasabi ko na nga agad yung bago kong “karas” sa blog. ahehehe

Ganoon pa man Bro, may impakto pa rin dito sa opisina hahaha joke lang po, may ideya na po ako sa mangyayari dito, pero hindi ko po inaasahan na magkakasama na naman kami sa iisang opisina. As usual wala pa rin po kaming imikan. Kahapon nga po parang tanga lang, sabay sabay po kaming lumabas pero nauna nyang sinara yung elavator! ang wierd!? parang tanga lang. heksayted umuwi?

Pero sa totoo lang Bro ang hirap po ng ganito nagiging limitado tuloy ang bawat galaw ko dito sa opisina, at malamang sa alamang mapapansin na naman ito ng mga boss ko.

Bro, sana naman po hamplusin nyo po ang puso nya ata ang pride nya, ganoon na rin po ako, medyo may pagkamataas din kasi ang pride ko. Bakit ko nga naman po pipilitin ang isang bagay na ayaw ako? Sa kabilang banda po, willing naman ako sa lahat ng bagay pero po minsan okay na rin po yung ganito. Ang hirap po ng away-bati parang tanga lang. hahaha.

Kahapon po pala namalipit ako sa sakit ng tiyan ko, salamat po dahil hindi na ito tumagal ng isang araw. Sa susunod po ayos na po sakin ang matae wag lang ang sakit ng tiyan.

Salamat po sa mga kaibigan dahil kahit sa twitter lang, marami pong nag-aalala sakin.

Maraming Salamat po sa Lahat,

Amen.

Minarkahan , , , , , , ,